Mga Bunga Ng Mga Pag Aalsa Ng Mga Pilipino
Mga bunga ng mga pag aalsa ng mga pilipino Mga Bunga sa Pag-aalsa May mahahalagang dahilan kung bakit naging bigo ang lahat ng pagaalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol mula kay Lakandula hanggang kay Hermano Pule. Nabigo sila dahil kulang sila sa pagkakaisa. Kulang din sa kakayahan ang mga lider na namumuno sa mga pag- aalsa. Marami sa kanila ang basta na lamang nagrebelde nang walang maayos na plano at walang sapat na armas. Nagpangkat-pangkat ang mga katutubong Pilipino noon at sila ay nahati sa maraming tribo. Sinamantala ng mga Espanyol ang pagkakawatak-watak ng mga katutubo at pinagaway-away sila. Higit sa lahat, marami rin sa mga Pilipino ang pumanig sa mga Espanyol. Hindi Nakiisa sa mga katutubo ang mga mayayamang angkan na nagtamasa ng kaginhawaan sa ilalim ng mga Kastila. Naging mas matpat sila sa Espanyol kaysa sa kapwa nila Pilipino. Naging taksil din ang iba at isinuplong ang mga kasamahan. Naging sunod-sunuran sila sa mga kagustuhan ng mga Espanyol kayat nap