Gamitin Ang Mga Sumusunod Bilang Simile Sa Pagbuo Ng Pangungusap:, A. Kawayan, B. Tingting, C. Sirena Ng Bombero, D. Kalabaw, E. Kawad, Gamitin Ang Mg

Gamitin ang mga sumusunod bilang simile sa pagbuo ng pangungusap:

a. kawayan
b. tingting
c. sirena ng bombero
d. kalabaw
e. kawad

Gamitin ang mga sumusunod bilang metapora sa pagbuo ng pangungusap
a. sirang plaka
b. isda
c. hiwa ng keso
d. palakol
e. gatas

Simile

Ang simile ay hindi tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa na ginagamitan ng mga salitang gaya ng, tulad ng, kasing, o kawangis ng.

Gamitin sa pangungusap.

a. kawayan

Tila kawayan sa taas ang laki ni Ayel kaya naman hindi na siya makalong ng ina.

b. tingting

Ang pastilyas na ga tingting ang laki ay mabenta pa rin sa mga bata sa eskwelahan.

c. sirena ng bumbero

Ang pagsasalita ni Mida na walang humpay na tulad ng sirena ng bumbero na tuloy tuloy habang umaandar.

d. kalabaw

Gaya ng masipag na kalabaw sa palayan kung magtrabaho si Mang Impin.

e. kawad

Ang pagsasama nilang mag asawa ay kasing tibay ng kawad.

Metapora

Ang metapora ay tiyak na paghahambing ng dalawang bagay, tao, pangyayari, at iba pa ngunit hindi ginagamitan ng pangatnig.

Gamitin sa pangungusap.

a. sirang plaka

Para kang sirang plaka ang sabi ni Benjo sa kanyang misis na si Mila.

b. isda

Napakaswerte ni Aida sapagkat si Miguel ay isang matabang isda.

c. hiwa ng keso

Ikaw ay hiwa ng keso sa buong grupo.

d. palakol

Matalas na palakol ang mga salita ni Padre Dámaso para kay Ibarra.

e. gatas

Gatas si Barbie Forteza kapag itinabi kay Jaya.

Read more on

brainly.ph/question/245782

brainly.ph/question/201199

brainly.ph/question/240229


Comments

Popular posts from this blog

Hakbang Na Isasabuhay Sa Sarili

Paano Ilalarawan Ang Mga Taong Tulad Ng Mga Kaibigan Ni Duke Briseo Na Bibitaw Sa Kaibigan Sa Oras Ng Pangangailangan?