Arlin 16 Ng Ibong Adarna
Arlin 16 ng ibong adarna
Aralin 16: ANG BAGONG PARAISO (Buod)
Isang paraiso sa kagndahan ang kabundukan ng Armenya. Napakaganda ng paligid. Maraming hayop at mga pananim dito gaya ng mga puno at bungang kahoy. Napakarami ring ibon dito gaya ng maya, pugo at kalaw, may pandanggo at kumintang, may mga limbas, uwak at lawin. Napakalinaw ng tubig sa batis at napakaraming suso na nakakapit sa mga batuhan. Walang magugutong sa pook na iyon dahil sa mayamang kalikasan. Doon na naninirahan si Don Juan upang pagtakpan at huwag maparusan ang tunay na may sala sa pagkawala ng ibong adarna. Nahihiya si Don Diego na humarap kay Don Juan dahil sa nagawa na namang pagkakasala subalit dahil sa panunulsol ni Don Pedro ay nagpasya silang manirahan na rin doon kasama ni Don Juan. Hindi naman nagawang tumanggi ni Don Juan dahil sa pagmamahal sa mga kapatid. Isang magandang bahay na gawa sa kahoy ang naging tahanan ng tatlong prinsipe at maligaya silang naninirahan sa Armenya. Napakaamo ng mga hayop sa kanila at tila mga panginoon sila kung ituring. Sa paglipas ng panahon, nagpasya ang tatlo na tuklasin ang bahagi ng kabundukan na hindi pa nila nararating. Sa katanghaliang tapat ay naglakbay ang tatlo para maghanap ng bagong kapalaran.
Comments
Post a Comment