Kabanata 23 Ng Noli Me Tangere Ang Pangingisda:, 1. Sino Sino Ang Mga Pumunta Sa Lawa Upang Magdaos Ng Piknik?, "2. Ano Ang Dahilan Bakit Pinaghihiwal
Kabanata 23 ng noli me tangere ang pangingisda:
1. Sino sino ang mga pumunta sa lawa upang magdaos ng piknik?
2. Ano ang dahilan bakit pinaghihiwalay ng mga magulang ang mga lalakit babae ng silay nagsilulan sa bangka?
3. Sino ang piloto ng bangka? Ilarawan siya habang nag sasagwan.
4. Tama ba ba ang ginawang pagtalon ng piloto sa bangka upang patayin ang buwaya sa lawa kahit na alam niyang ito ay mapanganib? Bakit?
5. Itataya mo ba ang iyong buhay upang masagip ang tao na hindi mo naman kaano ano para iligtas sa kapahamakan ang kapwa gaya ng ginawa ni crisostomo ibarra??
6. Mayroon ka na bang nagawang kabayanihan sa kapwa? Paano mo ito ginawa at bakit mo ito ginawa?
Noli Me Tangere
Kabanata 23: Ang Pangingisda
1. Ang mga nagtungo sa lawa upang magdaos ng piknik ay sina Maria Clara, Iday, Victorina, Andeng, Sinang, at Neneng. Samantalang ang mga kalalakihan ay pinangungunahan ni Crisostomo, Albino, at Leon na katipan ni Iday. Naroon din sina Tiya Isabel at Elias, ang piloto ng mga bangkang lulan ang mga binata at dalaga.
2. Nagpasya ang mga magulang ng mga kabataan na paghiwalayin ang pangkat ng mga kababaihan at kalalakihan paglulan sa bangka sapagkat ayaw nila na magkakatabi sa isang bangka ang mga magkasintahan.
3. Ang piloto ng bangka ay si Elias. Siya ay isang binatang may matipuno at matikas na pangangatawan. Merong maitim at mahabang buhok at katawang siksik ang laman.
4. Ang pagtalon ni Elias sa tubig upang patayin ang buwaya ay pagpapakita lamang ng pagiging maginoo nito. Sapagkat siya ang piloto ng bangka at may tungkulin siya sa kanyang mga pasahero kaya naman kinailangan niyang gawin ito.
5. Kung kinakailangan, itataya ko ang aking buhay para sa iba sapagkat nais ko na gawin din ng iba ang ginawang kong pagtulong sa kanya.
6. Mayroon. Nang ibahagi ko ang aking baon sa isang kamag aral na batid kong hindi pa kumakain ng araw na iyon. Para sa akin ang simpleng kabayanihan na ito ay magbibigay sa kanya ng isang mahalagang aral. Alam kong kapag dumating ang isang pagkakataon na siya naman ang may kakayahang tumulong sa iba ay hindi siya mag aalinlangan na gawin ito.
Read more on
Comments
Post a Comment