Ano Ang Merkado Sa Paggawa?
Ano ang merkado sa paggawa?
Ang ekonomiyang MERKADO ay isang ekonomiya na pumapatungkol sa pamumuhunan,distribusyon at produksiyon. Ito ay depende naman sa kung ano ang pangangailangan at panustos.Karaniwan na tinatawag ito sa ingles na (supply and demand) . Para malaman ang serbisyo at presyo ng produkto,ginagawa ito sa panahon na malayang namimili ang isang mamimili.
Sa katunayan,ang pangunahing katangian sa ekonomiyang merkado ay ang pagdedesisyon sa pamumuhunan at ang lokasyon ng taga gawa ng produkto at karaniwang ginagawa sa mga pamilihan sa negosyo ang pagtatawaran sa pamumuhunan.
Ito ay salungat sa isang planadong ekonomiya na kung saan ang mga desisyon tungkol sa pamumuhunan at produksyon ay karaniwan ng isang planadong pamumuhunan at produksyon.
Halimbawa,gusto mong pumunta sa isang suplayer ng sapatos. Gusto mo na bentahan ka nya ng whole sale o maramihan sa mga paninda niya. Tungkol sa pamumuhunan at paglalabas ng produkto ang pinaguusapan ninyo. Sa merkado, malaya mong naipapahayag ang mga gusto mong bilhin para sa pamumuhunan at supply na hihingiin mo.
Kaya ang merkado ay isang lugar o pamilihan kung saan nagaganap ang malayang pagpapalitan ng mga salita ng mamimili at nanenegosto tungkol sa pamumuhunan at paglalabas ng produkto. Pamimili ng mga produkto na kailangan sa pagnenegosyo.Naguusap tungkol sa tawaran at suply.
Comments
Post a Comment