Ano Ang Mga Suliraning Panlipunan Na Makikita Sa Kabanata 32 Ng El Filibusterismo?

Ano ang mga suliraning panlipunan na makikita sa Kabanata 32 ng El Filibusterismo?

El Filibusterismo

Kabanata 32: Ang Bunga ng mga Paskil

Suliraning Panlipunan:

Ang isyung panlipunan na makikita sa kabanatang ito ay ang bunga ng mga kilos protesta. Sa pangkaraniwang mag aaral, ang pagsali sa mga kilos protesta ay katumbas ng pagliban sa klase at kawalan ng eksamin. Katulad na lamang ng nangyari sa mga magkaklase na sina Basilio, Isagani, Juanito, Macaraig, at Salvador. Sa kanilang lahat tanging si Basilio lamang ang hindi nabigyan ng eksamin sapagkat siya ay nanatili sa loob ng bilangguan ng ilang araw. Ang lahat ng kanyang mga kamag aral ay nakapag piyansa at naging abala sa ibatibang bagay. Samantalang siya ay nakikibalita lamang kay Sinong na kutsero ni Simoun.

Bukod dito, ang pagdakip at pagkulong sa mga mag aaral ay nagdulot ng matinding takot sa mga magulang at sa bayan. Ang pagkulong sa mga taong nagsasagawa ng kilos protesta ay nagdudulot ng takot at pag aalala. Batid ng marami na ang pagdakip sa mga mag aaral ay isinagawa upang bigyang babala ang sinumang nagnanais na lumaban sa mga prayle. Ang pagsikil sa karapatang makapagpahayag ng damdamin ay isa rin sa mga isyung panlipunan na nais bigyang diin ni Rizal sa kabanatang ito. Ang mga mag aaral ay hindi pinapayagan na magpahayag ng kanilang damdamin ukol sa usapin ng pagtatayo ng akdemya kahit pa ang bagay na iyon ay may kaugnayan sa kanila.

Read more on

brainly.ph/question/2113614

brainly.ph/question/2130599

brainly.ph/question/1347965


Comments

Popular posts from this blog

Hakbang Na Isasabuhay Sa Sarili

Paano Ilalarawan Ang Mga Taong Tulad Ng Mga Kaibigan Ni Duke Briseo Na Bibitaw Sa Kaibigan Sa Oras Ng Pangangailangan?