Anong Natutunan Mo Sa Kabanata 1 Ng El Filibusterismo?
Anong natutunan mo sa kabanata 1 ng El Filibusterismo?
Ang aral na ipinahiwatig ni Dr. Jose Rizal sa kabanatang ito ay ang kalagayan ng pamahalaan na inihambing niya sa Bapor Tabo. Mahina at mabagal ang pagtakbo nito at maraming balakid sa landas na nagpapakita ng mabagal na pag-usad o pag-unlad ng ating bayan. Nahahati din sa dalawa ang sakay ng Bapor Tabo - ang nasa kubyerta at ang mga nasa ilalim nito. Inihahambing niya ito sa kalagayan ng tao sa lipunan noong panahon ng mga Espanyol. Ang pamahalaan ay nagtakda ng mababa at mataas na uri ng tao. Ang matataas na uri ay karaniwang mga Espanyol at mayayamang tao sa lipunan. Ang mga mabababa naman ay ang mga Pilipino
Comments
Post a Comment